Saturday, April 4, 2009

BOB ONG'S ORIGINAL AND VERY ENLIGHTENING QUOTES

“Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the- blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”

“Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.”

“Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.”

“Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa’yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?”

“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”

“Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!).”

“Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan…”

“Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.”

“dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung ‘di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. kung alam lang ‘yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela.”

“Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”

“Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”

“Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”

“Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”

“Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

“Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

“Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan yung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

“Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.”

“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

“Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

“Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”

“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?

“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”

“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

“ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko”

“Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling siyang magbreakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskuwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka”

“Ang babae, nirerespeto, inaalagaan!Hindi yan PSP na bubunutin mo lang sa bulsa pag gusto mo ng paglaruan.Hindi yan IPOD na papakinggan mo lang kapag wala kang libangan.At hindi yan RED HORSE na pwede mong laklakin hanggang madaling-araw.Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi yan gadget para kolektahin at paglaruan.”

“Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam? Wag kang magpakatanga, sa taong hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at mang-iwan, kung lagi ka namang sinasaktan.
Imbis na magtanong ka ng “Hindi pa ba sapat?” Bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na sya.
Wag kang magpadala sa salitang “sorry” at “ayokong mawala ka”
kung totoo yun,patunayan nya.”

“Pag pinag-aagawan ka, malamang maganda ka o gwapo ka.
Tandaan mo: Sumama ka sa mabuti, di sa mabait. Sa marunong, di sa matalino. Higit sa lahat, sa mahal ka, di sa gusto ka.”

“Ano namang mapapala mo sa kakaisip sa nakaraan at sa mga pwede pang mangyari? Wala ka naman cgurong super powers para maibalik ang nakalipas na. Dapat matuto kang pahalagahan ang mga nangyayari sayo sa kasalukuyan. I-enjoy mo lang ang buhay. Wag kang Emo. Hindi ka talaga magiging masaya kung di mo tutulungan ang sarili mo. Natural lang na makaramdam ng lungkot paminsan-minsan pero ang pagiging miserable? Wag kang hibang, choice mo yan.”

“Paano mo masasabingspecial ka sa isang tao kung ang bawat ginagawa niya sayo ay ginagawa din niya sa iba? “

“hindi biro ang pagbabasa, rite of passage to, pag natuto ka ibig sabihin nabinyagan ka bilang ‘literate’. kaya mong magbasa ng mga kasinungalingan sa dyaryo, ng mga subtitles sa mga foreign movies at mag vandalism sa upuan ng bus”

“sabi nila kahit ano daw problema, isang tao lang ang makakatulong sa yo - ang sarili mo…. kaya siguro namigay ng konsensya ang dyos, alam nyang hindi sa lahat ng oras gumagana ang utak ng tao”

“minsan pala kailangan rin ang lakas para sabihing mahina ka…. ang karapatan kong madapa at bumangon sa buhay ng walang tatatawa, magagalit, magtatanong o magbibilang kung ilang beses na kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi”

“hayaang maisip ko na may sarili din akong barko. obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko”

“paghahangad ng diploma - ritual yon, tradisyon, sakramentong hinihingi ng lipunan para makapagtrabaho ka at kumita nang disente. at oo, para na rin respetuhin ka ng ibang tao”

“parang ‘times up’ ang reunion, ‘pass your papers, finished or not’. oras na para husgahan kung naging sino ka o kung naging magkano ka”

“kung pumapasok tayo sa eskwela para lang makahanap ng trabaho at kumita ng pera balang-araw, di na nakakapagtaka kung bakit marami ang namamatay na mangmang. nakalimutan na ng tao ang kabanalan nya, na mas marami pa syang alam kesa sa nakasulat sa transcript of records nya, mas madami pa syang gawin kesa sa nakalista sa resume’ nya at mas mataas ang halaga nya kesa sa presyong nakasulat sa payslip nya tuwing sweldo”

“hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”

“hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay
ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.

“Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko. “

“iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala.”

“iba ang informal grammar sa mali!!!”

“Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay.”

“Wag mawawalan ng gana sa buhay. Kung ano yung galing mo, kulit mo, lakas ng sigaw at tuwa mo sa mga laban ng UAAP, NCAA, mga sports fest, o concert ng paborito mong banda, wag mong iwawala hanggang sa pagtanda. Wag kang tutulad sa ilang kongresista na nagre-report sa trabaho para lang matulog.

Kung gusto mong maging musikero, sige lang. Pintor, ayos! Inhinyero, the best! Kung gusto mong maging teacher, pilitin mong maging teacher na hindi makakalimutan ng mga estudyante mo. Kung gusto mong maging sapatero, maging pinakamahusay kang sapatero. Kung gusto mong maging karpintero, maging pinakamagaling kang karpintero. Kung gusto mong maging tindero ng balut, wag kang dadaan sa harap ng bahay namin para mambulahaw sa gabi kung ayaw mong masaktan!”

“Hindi ako naniniwalang kailangan ng tao mangarap dahil gusto nya ng pera, o gusto nyang sumikat, o gusto nya ng impluwensya. Side effects na lang ang mga ‘to, tingin ko. Nangangarap ang tao dahil binigyan sya ng Diyos ng kakayanang mangarap at tumupad nito. Tungkulin nyang pagbutihin ang pagkatao nya at mag-ambag ng tulong sa mundo. At wala na syang iba pang magagawang mas malaking kasalanan sa sarili bukod sa talikuran ang tungkuling yon at hindi bumili ng libro ko. [Subliminal message successfully inserted]“

“Sa panghuli, higit sa lahat, magbasa ka ng libro. Kung nabasa mo lahat ng libro ko, salamat. Pero kung makakabasa ka pa ng ibang libro bukod sa mga isinulat ko o mga ipinabili ng teacher mo, mas magaling. Hikayatin mo lahat ng mga kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboriton libro sa buong buhay nila. Dahil wala nang mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa. Ayos lang lumaki nang lumaki, magpatangkad, at tumanda nang walang natututunan– kung puno ka! Pero bilang tao, may karne sa loob ng bungo mo na nangangailangan ng sustansya. Maraming pagkakataong kakailanganin mong sundutin yon. At sa bawat sundot, tulad ng sundot-kulangot, mas maigi kung may kapaki-pakinabang kang makukuha.”

“Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

“Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo.
Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”

“Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”

“Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa ring maghintay.kasi hindi ikaw ang priority.”

“Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw ang bida sa script na pinili nya.”

“Hindi naman yung taong mahal mo ang mahirap kalimutan nung nawala sya sayo eh…kundi yung taong naging ikaw dahil sa kanya”

“Napakalaking pagkakamali ang kalimutan ang pangarap mo para lang makaiwas sa mga terror na teachers at mahihirap na subjects. “

“Kung hindi mo raw babasahin ang mga libro mo, hindi talaga libro ang pag-aari mo kundi mga tinta at papel.”

” Nalaman kong maswerte ako dahil pinaglaro at pinag-aral ako ng mga magulang ko nung bata pa ako. Hindi pala lahat ng bata e dumadaan sa kamusmusan.”

“Ano ang talino kung walang disiplina?”

” Kahit saang anggulo tingnan, mahirap yatang lunukin ang katwirang “eh ano kung mabaho tayo, may mas mabaho pa naman sa atin ah!”.”

“Marami na ang ayaw sa Pilipinas pero walang nagtatanong kung gusto sila ng Pilipinas…”

“Kaya mo ba ngayong ilarawan sa isip mo kung anong klaseng lugar pwedeng maging ang mundo kung ang lahat ng tao ay nagmamahalan..?”

“ang mundo, sa totoong buhay, ay hindi ‘yung makulay na murals na nakikita sa mga pre-school. Hindi ito laging may rainbow, araw , ibon, puno at mga bulaklak.”

“Ang pag-ibig, parang imburnal..nakakatakot mahulog..at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka.”

“Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y magkakapantay; mangyayaring siya’y higitan sa dunong, sa yaman, sa ganda, ngunit di mahihigitan sa pagkatao.”

“Wala namang masama sa pangingibang-bayan. Walang masama kung gusto mong lisanin ang barkong sa tingin mo’y papalubog na. Basta’t wag mo lang hahagisan ng anumang pabigat ang barko habang pinagsusumikapan itong isalba ng ibang tao.”

“Kung paniniwalaan namin kayo na hindi naglaro ng tubig kahit na basa ang damit n’yo, kayo ang niloloko namin; Hindi kayo ang nakapanloloko.”

“Kung kabayo gagawa ng libro mahirap maging palaging politically correct para sa mga damo”

“Walang taong manhid. Hindi niya lang talaga maintindihan kung
ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin”

“Tayo ang gumagawa ng buhay natin, hindi natin dapat isisi sa mga nasa paligid natin. kung ano ka ngayon ay dahil sa kagagawan mo, dahil pinili mong maging ganyan.”

“At hindi man nila ako direktang natulungan sa problema, nagkaroon ng maliit na kwarto sa utak ko na para lang sa mga positibong pananaw sa mundo. Tingin ko lahat ng tao dapat meron no’n.”

“Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!”

“paano mo makikita yung para sayo kung ayaw mong tantanan yung pinipilit mong maging para sayo.”

“bago ang lahat, alamin muna ang tamang dahilan ng pagsu-suicide. kung ang problema mo ay dahil lang naman sa wala kang pera o iniwan ka ng minamahal mo, hindi ka dapat magpatiwakal. ang mundo ay tambak ng mga tao na pwede mong mahalin, at ang pera naman ay pwedeng kitain, kaya hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. ang pagkitil sa sariling buhay ay karapatan lamang ng mga taong gumagamit ng cellphone at nakikipagkwentuhan sa loob ng sinehan.”

“Nakabalik ako sa lugar, pero di ko na naibalik ang panahon.”

“Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

“Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

“Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa katangahan kundi pagkukusa.”

“ang TAMANG BAGAY saka TAMANG PANAHON ay wala na ring saysay kapag wala na yung TAMANG TAO. ang tao puwedeng magadjust pero ang bagay at panahon hindi.”

“makakapagbago ka lang kung kaya mo nang aminin na hindi mo mapagkakatiwalaan ang sarili mong pag-iisip, dahil ito rin ang nagtutulak sa ‘yo sa bisyo.”

“Sana ang pag-ibig ay katulad ng pamasahe sa jeep na kapag buo ang binigay mo, sinusuklian ka pa din kahit papaano..”

“Kahit kailan walang maling desisyon. Nagiging mali lamang ang isang desisyon kung hindi ito napaninindigan.”

“Kung tutuusin, hindi naman masarap ang alak. Yung mga kainuman lang ang nagpapasarap.”

“hindi ba malaking pagkakamali ng maraming eskuwelahan na gawing 0 to 10% lang ang ‘character’ sa computation ng grades, mas mababa sa periodical test (20%), project (30%), at class standing (40%) gayong character ang humuhulma sa tao, pamilya, bansa, mundo, at kasaysayan?”

“hindi ba makukumpleto ang mga pubic comfort rooms kung walang naka-drawing na ari ng tao?”

“Pakawalan mo ang mga bagay na makakasakit sa’yo kahit na pinapasaya ka nito. Huwag mong hintayin yung araw na sakit na lang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”

“kahit gaano karaming signs ang dumating at matupad, kung hindi ka nya mahal hindi ka nya mahal “

“Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba. Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang. Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na. Huwag mong hawakan kung alam mong hawak na ng iba. “

“Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.”

“Pagkatapos ng mahabang ulan, may pitong kulay na biglang susulpot na nagsisilbing tanda na may pag-asa sa bawat pasakit. Parang sa pag-ibig din yan. Pagkatapos ng isang malupit na kabiguan, may mga tao pang pwedeng paglaanan ng iyong wagas na pagmamahal. Kaya lang ang problema, kadalasan sa dami ng kulay na pagpipilian, yung dati pa ring kulay ang paborito mo.”

“kung mahalaga ka talaga sa isang tao, hahanap siya ng paraan para magkaoras sayo… Kung wala siyang oras sayo, wag ka nang umasang mahalaga ka sa kanya.”

“Minsan hindi rin naman talaga ginusto ng mga taong minahal naten ang saktan tayo. Hindi naman nila sinasadyang iwan tayo para sa bagong dumating. Minsan kailangan natin tanggapin na sa paniniwala nila, mas mahal nila yun. Ganun lang naman talaga, dun sila kung saan sila masaya. Ganun din naman siguro ang gagawin natin, kung tayo ang nasa sitwasyon di ba? Lahat tayo mararanasang AGAWIN, MANG-AGAW at MAAGAWAN. Pana-panahon lang yan. “

“hindi ko naman hiniling na maging akin ka, ang sakin lang MAGING SAYO AKO”


`truly inspiring db? :)

BOB ONG'S ORIGINAL AND VERY ENLIGHTENING QUOTES


1. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”

2. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”

3. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

4. “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

5. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”- Hahaha Sabi naman ni Juan tamad, “Babalik at babalik parin ang elevator, kaya mas maganda na maghintay ka nalang”

6. “Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.”

7. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

8. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

9. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”

10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

11. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.” -

12. “Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”

13. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”

14. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.”

15. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”

17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”

18. “Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

19. “Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..”

never change your uniqueness for the sake of others.. `coz in this world, no one can play your role better than you. so be yourself and win the world!

everything will be ok in the end. if its not ok, then its not yet the end :)

learn to control your feelings and suppress them if necessary because not everything that feels good is right.

you will know when a person is a gift from God when there's laughter, love, respect, peace and a lot quiet conversations even in distance..

dont make special person miss you too much..





try to keep in touch..




because missing oftentimes eventually leads to forgetting..